Home METRO DSWD aayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa Maynila

DSWD aayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa Maynila

255
0

PERSONAL na binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian si Manila City Mayor Isko Moreno para personal na ialok ang suporta ng ahensya at palakasin ang koordinasyon sa mga lokal na pinuno, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang partnership sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan lalo na sa panahon ng mga sakuna.

“Ang playbook namin ngayon ay always talk to the mayors. That is why I came here. Number one, alam nyo naman ang number ko, you can call me. Pag may kailangan ka, I’m just a phone call away,” ani Secretary Gatchalian makaraang bumisita sa tanggapan ni Yorme nitong Huwebes, Hulyo 24.

Bagama’t hindi nagdala ng mga kagamitan tulad ng mga food packs sa pagbisita nito sa opisina ni Yorme, isinama naman ng Kalihim si DSWD National Capital Region Director Michael Joseph Lorico, na tiniyak ng mabilis na aksyon kung sakaling kailanganin ang anumang uri ng tulong ng Manila LGU sa pamamagitan at koordinasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa pamumuno ni Director Jay Reyes Dela Fuente.

“Wala lang akong dalang physical goods ngayon, pero ang dala ko ay si Regional Director Lorico. If you need more, please let us know,” ani Sec. Gatchalian kay Domagoso.

“Yun lang naman ang pakay ko. Una, sabi ni Presidente, ‘Rex, galing kayong lahat sa local government units, dapat nag-uusap kayo,’” ayon pa sa kalihim ng DSWD.

Pinasalamatan naman ni Yorme ang ginawang pagsisikap ng DSWD sa pagtugon sa kalamidad.

“You’re doing good. We are happy and proud of you and the entire DSWD. Wala kaming problema sa inyo in terms of assistance from the national government, in all honesty,” ani Yorme kay Secretary Gatchalian at sa buong DSWD team. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here