Home HOME BANNER STORY 3 lugar, Signal No. 3 kay Emong

3 lugar, Signal No. 3 kay Emong

231
0

MANILA, Philippines – Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa ilang bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan habang inaasahang dadaan malapit o tatama ang Severe Tropical Storm Emong sa Batanes at Babuyan Islands mula Biyernes ng hapon hanggang gabi, ayon sa PAGASA.

Ayon sa 11 a.m. bulletin, si Emong ay nasa paligid ng Calanasan, Apayao, may lakas ng hangin na 95 kph malapit sa gitna at bugso na hanggang 160 kph, kumikilos pa-hilagang silangan sa bilis na 40 kph. Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng umaga at inaasahang hihina bilang remnant low pagpasok sa East China Sea.

Mga lugar na nasa ilalim ng TCWS:

Signal No. 3:

Hilagang-silangang Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Piddig, Vintar, Adams, Carasi)

Hilagang Apayao (Calanasan, Luna)

Hilagang-kanlurang mainland Cagayan (Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona)

Signal No. 2:

Natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Hilagang Ilocos Sur (Santa, Caoayan, Lungsod ng Vigan, Bantay, Sta. Catalina, San Vicente, Sto. Domingo, San Ildefonso, Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait)

Natitirang bahagi ng Apayao

Hilagang Abra (Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Sallapadan, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)

Batanes

Hilagang at kanlurang mainland Cagayan (Piat, Camalaniugan, Tuao, Buguey, Aparri, Allacapan, Rizal, Lasam, Ballesteros, Abulug, Sto. Niño)

Signal No. 1:

Natitirang bahagi ng Ilocos Sur

Hilagang La Union (Luna, Santol, San Fernando City, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan)

Natitirang Abra

Hilagang Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias)

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Natitirang bahagi ng mainland Cagayan

Hilagang Isabela (Quirino, Mallig, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Sta. Maria, Cabagan, Sto. Tomas, Roxas, San Manuel)

Ayon sa PAGASA, “Papalapit na si Emong sa Babuyan Channel at inaasahang dadaan malapit sa Batanes ngayong hapon hanggang gabi.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here