Home ENTERTAINMENT Kampo ni Kris, umalma sa fake news sa cancer!

Kampo ni Kris, umalma sa fake news sa cancer!

244
0

Manila, Philippines- Walang katotohanan ang sinasabi nilang “cancer free” na ang isang Kris Aquino.

Kumbaga ay isang malaking fake news ang ikinalat ng iba na ligtas na sa sakit na kanser ang tinaguriang Queen of all Media, huh!

May mga naglalabas kasi sa social media ng mga report na magaling na sa sakit niyang cancer ang ina nina Joshua at Bimby, huh!

Ayon pa kay Bosing Dindo Balares, dating entertainment editor at confidante ni Kris, hindi raw tama ang lumalabas na balitang “cancer-free” na ang premyadong TV host at aktres, huh!

Sa latest update nga ni boss Dindo,

patuloy daw ang pakikipaglaban ni Kris sa kanyang autoimmune diseases at hindi cancer, huh!

Ayon pa rin kay Boss Dindo ay napansin nilang may “regeneration” daw sa balat ni Kris, na maaaring sign daw ng magandang pagbabago.

Dagdag pa ni boss Dindo na tama lang daw ang naging desisyon ni Kris na pansamantala munang manirahan sa tabing-dagat kung saan sariwa ang hangin at maganda ang kapaligiran, huh!

Kasabay sa paglinaw ni Dindo ang impormasyon na kumakalat sa social media tungkol sa cancer daw ni Kris.

Walang anumang klase ng cancer ang isang Kris Aquino kaya isang malaking fake news ang mga post sa socmed na gumagaling na ang sikat na aktres at TV host sa sakit na cancer, huh!

“Misleading po ang posts na cancer-free na raw si Kris. Wala po siyang cancer eversince. Hindi po cancer ang ginagamot ng mga doktor kay Kris kundi autoimmune illnesses,” banggit pa ni Dindo. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here