Home METRO DOLE may paalala sa mga employers sa panahon ng bagyo

DOLE may paalala sa mga employers sa panahon ng bagyo

303
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa na pinilit na pumasok sa trabaho sa gitna ng mananalasa ng masamang panahon nitong nagdaang mga araw na ireport ang kanilang employer para sa posibleng paglabag ng Republic Act (RA) 11058 o ang Occupational Safety and Health (OSH) Law.

Hinikayat ni Bureau of Working Conditions (BWC) Director Alvin Curada sa mga manggagawa na bumisita lamang sa kanilang mga opisina sa mga probinsya at rehiyon.

Binanggit din ni Curada, na ang mga employer na nagkamali ay maaring isailalim sa administrative fine o multa depende sa antas ng panganib at kundisyon sa kanilang mga kumpanya.

Nauna nang nagpaalala ang DOLE sa mga manggagawa na may karapatan silang tumanggi na pumasok sa trabaho dahil sa panganib na dulot ng masamang panahon at kahalintulad na pangyayari.

Karamihan sa mga lugar, kabilang ang Metro Manila ay nakaranas ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha dahil sa mga bagyong Crising, Dante at Emong gayundin ang habagat sa mga nakaraang araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here