Home METRO Negosyante utas, live in partner sugatan sa pamamaril sa Laguna

Negosyante utas, live in partner sugatan sa pamamaril sa Laguna

325
0

LAGUNA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang negosyanteng lalaki nang barilin ito sa ulo ng isa sa dalawang hindi nakikilalang salarin, samantalang sugatan naman ang kinakasama nitong babae, kagabi sa Block-5 Lot-14 Narra St. Barangay Calendola, sa lungsod ng San Pedro, Laguna.

Kinilala ang nasawing biktima na si Elldon Mateo y Anceta, businessman, samantalang ginagamot naman sa Amante hospital ang live in partner nito sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang balikat at tagiliran na si Daphne Marie Go, 24, pawang naninirahan sa Block-14 Lot-3 Lanzonez St. Barangay Calendola ng nabanggit na lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng San Pedro Police Station naganap ang insidente ng dakong alas-11:40 kagabi habang ang mga biktima na kapwa umiinom ng kape sa isang Coffee Shop nang bilang dumating ang mga hindi nakikilalang suspek kung saan pinagbabaril ang mga biktima na agarang ikinasawi ng biktimang negosyante at ikinasugat ng umano ay kinakasama nito.

Samantala ng matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek lulan ng kulay puting motorsiklo na walang plate number, patungo sa direksyon ng Soutbound kung saan isa sa mga suspek ay nasa 30 hanggang 40 ang edad  nakasuot ng colored T- Shirt at short pants ang kasama nito ay nakasuot ng black jacket, short pants at kulay puting helmet.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek para sa agarang ikadarakip ng mga ito na kapwa mahaharap sa kasong Murder at Attempted Murder, kung saan inaalam pa ang motibo ng pamamaril sa mga biktima. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here