Home NATIONWIDE Halos 1.5k dayuhan na-deport sa 1st half ng 2025 -BI

Halos 1.5k dayuhan na-deport sa 1st half ng 2025 -BI

257
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-deport ng halos 1,500 foreign nationals sa unang kalahati ng taon kasunod ng pagpapalakas ng pagsisikap na mapabilis ang pagpapatapon sa mga ilegal na dayuhan na inaresto dahil sa paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na mabilis na arestuhin at paalisin ang mga dayuhang nagdudulot ng banta sa pambansang seguridad o interes ng publiko.

Iniulat ng deportation and implementation unit (DIU) ng BI na noong unang kalahati ng 2025 ay nakapag-deport ang ahensya ng kabuuang 1,422 foreign nationals na napatunayang may iba’t ibang paglabag sa imigrasyon.

Nanguna sa listahan ang mga Chinese national na mayroong 957 na deportasyon, na sinundan ng 231 Vietnamese, 41 South Koreans, 41 Malaysians, at 37 Burmese.

Ayon pa kay Viado, karamihan sa mga deportasyon ay mga dayuhan na nakitang iligal na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng POGO sa bansa sa kabila ng pagbabawal sa mga ito.

Napag-alaman din na doble ang bilang ng mga na-deport na dayuhan kaysa sa naitalang 717 na deportees sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“Our strengthened deportation protocols follows the directive of the President to act swiftly and remove foreigners who abuse our people’s hospitality,” ani Viado.

“We will continue expediting the deportation of foreign nationals who violate our laws,” dagdag pa ng opisyal.

Nauna nang iniulat ng BI ang mga pagpapabuti sa mga protocol ng deportasyon, kabilang ang mga fast-tracking clearance katuwang ang National Bureau of Investigation, agarang pagresolba sa mga kaso na hinihinalang isinampa sa ilalim ng ‘demanda me’ scheme, regular na koordinasyon sa mga embahada para sa mabilis na pag-iisyu ng mga dokumento sa paglalakbay, at pagbubukas ng bagong holding facility para sa mga naarestong dayuhan. /Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here