Home SPORTS PNP Chief Torre tinalo si vice mayor Baste Duterte via default

PNP Chief Torre tinalo si vice mayor Baste Duterte via default

256
0

MANILA, Philippines – Nagwagi si PNP Chief General Nicolas Torre III via default matapos hindi dumating ang naghamon ng suntukan na si acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa ginanap na boxing for a cause event sa Rizal Memorial Stadium.

Matatandaang una ng sinabi ni Duterte na hindi siya available ng Linggo dahil mayroon siyang mga prior commitment.

Marami ang nag-abang sa laban na isang civic exhibition events na may layuning ipakita ang sportsmanship ng mga public figures kung saan ipapamahagi nila ang nalikom na halaga ng naibentang tiket sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi ng organizers na inabisuhan nila si Duterte upang dumalo subalit nagkataon na ito ay nasa Singapore kasama ang kanyang pamilya.

Nanghinayang naman ang marami dahil hindi nila natunghayan ang bakbakan ng dalawang sikat na personalidad sa ring.

Kilala si General Torre bilang  dating atleta at may  aktibong lifestyle kahit bilang opisyal ng PNP.

Agad namang namahagi ng tulong si Torre, matapos ang naunsiyameng laban, sa mga taga Baseco Compound na nasalanta ng bagyo at habagat.

Dala ng PNP chief ang relief items tulad ng bigas, canned goods, tubig, gamot, at hygiene kits para sa mga residente.

Base sa ulat, ang Baseco ay kabilang sa mga pinaka-apektado ng  sunud-sunod na bagyo at pagbaha sa nakalipas na linggo.

Pinasalamatan ng mga residente sa mabilis na aksyon ng PNP kahit walang kinalaman sa laban.

Sinabi ni  Torre na mas mahalaga ang makatulong kaysa magpakasikat sa ring.

Hati hati naman ang opinyon ng mga tao sa hindi pagtugon ni Duterte sa laban.

Siguro naman ni Torre na handa siya sakaling matuloy ang kanilang laban ni Duterte sa ibang araw.

Base sa ulat, hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak si Torre sa mga non-combat civic events; aktibo siya sa fun runs at outreach missions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here