MANILA – Sinabi nitong Lunes, Hulyo 28, 2025 ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na anim na national road sections na lamang sa tatlong rehiyon ang nananatiling sarado sa trapiko.
Batay sa situational report sa pinagsamang epekto ng southwest monsoon at tropical cyclones na Crising, Dante, at Emong, alas-6 ng umaga, ang mga apektadong kalsada ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, at Calabarzon dahil sa mga debris sa bridge deck, pagguho ng lupa, pagbaha, at nasirang kalsada.
Kasabay nito, 16 national road sections ang may limitadong access sa CAR, Ilocos Region, Central Luzon, Negros Island Region at Zamboanga Peninsula dahil sa road cut, washed-out detour road, road slip, pagbaha, precautionary measures, at washed-out bridge detour.
a) K0141+973, Brgy. Cambagahan, Bais City, Negros, Oriental
b) K0140+068, Sitio Nausog, Bais City, Negros, Oriental
–Zamboanga West Coastal Road (Sibuco-Limpapa Section), K2159+129-K2159+278, Pangian Sibuco, Zamboanga del Norte
Idinagdag ng DPWH na lahat ng iba pang mga pambansang kalsada at tulay sa mga apektadong rehiyon ay madadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan sa nakalagay na petsa at oras.
Nauna rito, iniulat ng ahensya ang paunang pinsala sa imprastraktura sa mahigit PHP3.75 bilyon. RNT/MND