Home ENTERTAINMENT Matteo, nagpa-bday kay Sarah, tinipid daw!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Matteo, nagpa-bday kay Sarah, tinipid daw!July 28, 2025 11:482590 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Mukhang mas excited pa si Matteo Guidicelli kesa sa birthday girl at misis na si Sarah Geronimo.Featured sa Reels ng aktor ang pagiging aligaga niya sa okasyong ‘yon nitong July 25.Documented ang paghihintay ni Matteo sa kanyang wifey hanggang makasakay ng elevator all the way hanggang matapos ang pa-birthday dinner niya.The couple feasted on French food.Kaso, nagsusumigaw ang reaction ng mga netizens.Dahil sa small servings ng pagkain, sey ng mga ito na tinipid ni Matteo ang birthday treat for Sarah.Feeling ng mga netizens, nabitin ang mismong may kaarawan.As if naman ay wala ring sasabihin ang mga netizens if the table was groaning with lots of food.For sure, sasabihin nila na kaya nag-indulge si Sarah sa pagkain nang bonggang-bongga ay dahil buntis siya!Well, sana’y ganoon na nga.Hindi rin nakaligtas sa mga netizens ang pagiging malungkot ng mga mata ni Sarah when she was supposed to be in high spirit.May pinagdadaanan daw ba ang 37-year-old singer-actress? Ronnie Carrasco III