Manila, Philippines- Binaha ng mga mensahe ng pakikiramay ang social media account ni Glaiza de Castro makaraang ipinost niya ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama.
Walang binanggit na cause of death ni Ginoong Alfredo o Boy Galura.
Sa halip ay mga old photos at video ang ipinost ng Kapuso actress.
Paraan daw niya ‘yon para alalahanin ang ama.
Samantala, namana ni Glaiza ang kanyang talento sa musika mula sa kanyang mga magulang.
Ang tatay niya’y dating band member habang ang ina–na dating sumali sa Tawag ng Tanghalan–ay fan ni Nora Aunor.
Dekada otsenta noong binuo nina Boy at Cristy ang Alcris Duet.
Na-feature din ang kanilang love story sa programang Wagas ng GMA.
Sina Gian Magdangal at Frencheska Farr ang mga gumanap sa kanila.
July 26 nang ipost ni Glaiza ang malungkot na balita.
Nagtawid naman ng mga condolences ang mga kapwa artistang sina Zsa Zsa Padilla, magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz, Angelica Panganiban at marami pang iba.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa pamilya ni Glaiza de Castro. Ronnie Carrasco III