Home ENTERTAINMENT Vice, bet lumipat sa maliit na bahay!

Vice, bet lumipat sa maliit na bahay!

252
0

Manila, Philippines- Inamin ni Vice Ganda na mas feel na niya ngayong tumira sa mas maliit na bahay.

Ito ang sinabi niya sa interview sa kanya sa Are You G?

Napakalaki ng bahay ni Vice.

Nakapunta na kami roon pero iilan lang naman silang nakatira roon kasama ang asawang si Ion Perez.

Sabi ng TV host-comedian, “Nagbago na ‘yung trip ko. Gusto ko ng mas maliit na bahay. Gusto ko na ng mas simple lang. Gusto ko ng kulay puting bahay. Dati ayaw ko ng puting bahay, gusto ko dark siya.”

Patuloy pa niyang paliwanag, “Siguro ‘yung state of mind, ‘yung sensibilities mo nag-iiba habang tumatanda ka, ‘di ba?

“Siyempre nu’ng walang-wala ka, ang dream mo malaking-malaki. Ganu’n ako rati, lalo nu’ng bata pa ako, malala akong mangarap. Malala ‘yung mga goals ko.”

At ngayong naabot na niya ang kanyang pinapangarap lamang noon na malaking bahay, nais na niya ng simpleng buhay.

“Siyempre ang sarap sa pakiramdam na na-achieve mo ‘yun pero pagkatapos ng lahat, babalik at babalik ka sa basic, eh. Okay na na-achieve ko na ‘to, narasan ko na.

“Gusto ko ‘yung mas simple, mas nagkikita kami ng mga gusto kong makita sa bahay. Hindi ‘yung ‘pag dalawa lang kami ni Ion hahanapin ko siya sa bahay,” esplika pa niya.

“Sabi ko kay Ion, ‘Alam mo ang laki nito para sa ating dalawa, napapagod ako,’ sabi kong ganu’n. Sabi ko dapat mas maliit na lang yung bahay natin para hindi tayo nagtataguan,” aniya pa. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here