Home NATIONWIDE Pinsala sa rockshed ng Kennon Road ipabubusisi ni Magalong

Pinsala sa rockshed ng Kennon Road ipabubusisi ni Magalong

266
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng third-party audit sa proyekto kaugnay ng nangyaring soil erosion na nagdulot ng pagguho ng pundasyon ng bagong istruktura sa Kennon Road.

Sa pahayag, iginiit ni Magalong na kailangang busisiin ang tunay na kondisyon ng rockshed matapos ang inspeksyon at sinabing ang ganito kalaking proyekto ay dapat na isinagawa nang may kaukulang pondo at Class A quality standards.

Aniya, dapat suriin sa audit hindi lamang ang natural causes katulad ng soil erosion, kundi maging ang potensyal na human factors katulad ng pagkukulang sa maayos na disenyo at konstruksyon.

Sa kabila ng pinsala, sinabi ng alkalde na nagamit naman ang layunin ng istruktura na pumigil sa mga rockfall sa kasagsagan ng bagyo.

Pinuri rin niya ang Department of Public Works and Highways sa mabilis na tugon kabilang ang pagpapadala ng mga tauhan at heavy equipment.

Nagpapatuloy ang clearing operations at mananatiling sarado ang mga bahagi ng kalsada hanggang sa makumpleto ang structural integrity assessment ng mga eksperto ayon sa Baguio City Public Information Office. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here