Home NATIONWIDE Mga pasahero na apektado ng pumalyang makina ng RoRo, tinulungan ng PCG

Mga pasahero na apektado ng pumalyang makina ng RoRo, tinulungan ng PCG

270
0

MANILA, Philippines – Daan-daang mga pasahero ang tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makaranas ng engine trouble ang isang roll-on/roll -off (RoRo) vessel patungong Romblon sa karagatan ng Oriental Mindoro nitong Linggo.

Ang sasakyang pandagat, na patungo sa Batangas Port hanggang Odiongan, Romblon, ay may lulan na 383 pasahero, tatlong tripulante, at 20 rolling cargoes nang magkaroon ng aberya sa crankcase ang makina nito.

Napilitan ang barko na bumalik sa Batangas gamit lamang ang starboard engine nito.

Lahat ng pasahero at crew ay ligtas at nasa maayos na kondisyon nang dumating sa Ramp 5 ng Batangas Port kung saan ay tinulungan sila ng PCG personnel at medical responders.

Bandang alas-8:30 ng umaga, 375 na pasahero at 19 na rolling cargoes ang inilipat sa M/V Maria Xenia, na nagpatuloy sa biyahe patungong Odiongan.

Inatasan ng Maritime Safety Services Unit – Southern Tagalog ang kanilang Vessel Safety Enforcement Inspection branch na magsagawa ng masusing inspeksyon sa barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here