Home NATIONWIDE ‘Love Bus’ ibabalik ni PBBM; gagawing libre pamasahe

‘Love Bus’ ibabalik ni PBBM; gagawing libre pamasahe

272
0

MANILA, Philippines – IBABALIK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang popular na “Love Bus,” at gagawing libre ang pamasahe, na sisimulan sa Davao at Cebu.

”Magtatanong ako sa iba sa inyo… Naalala ba ninyo ‘yung tinatawag “Love Bus”? Ito ‘yung popular na pampublikong bus sa Metro Manila na sinimulan noong 1970s,” ang tanong ng Pangulo sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA 2025) sa Batasang Pambansa sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 28, 2025

”Ngayon, hindi lang natin ibabalik ang Love Bus, ito ay gagawin pa nating libre. Pauna pa lamang, pilot testing pa lamang ‘yung sa Davao at sa Cebu. Susundan pa ito sa iba pang lugar sa Visayas at Mindanao,”aniya pa.

Matatandaang, bumiyahe sa Metro Manila ang mga Love Bus noong mga 1970. Ito ang natatanging mga airconditioned bus noong mga panahon na iyon.

At dahil hindi na kumikita, kagyat na itinigil ang operasyon nito.

Samantala, taong 2023, ibinalik ang naturang marka ng love bus sa pampublikong transportasyon sa lungsod ng Makati. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here