Home OPINION IMPEACH IBINASURA FORTHWITH

IMPEACH IBINASURA FORTHWITH

177
0

GUSTO niyong magkaroon ng “forthwith” na aksyon?

Ginawa ito ng Supreme Court sa kontrobersyal na impeachment complaint na kinontra ni Vice President Sara Duterte at iba pang mga abogado.

Masasabing forthwith ang desisyon dahil inaksyunan sa tamang panahon ng SC ang kahilingan ni VP Sara na ipawalambisa ang complaint sa pagiging labag sa Konstitusyong 1987 at pagkakait sa kanya ng due process o patas na pagdinig.

Makaraang tanggapin ng SC ang kahilingan ni VP Sara noong Pebrero 18, 2025 at pag-aralan ito, iniutos nito ang pagpapaliwanag ng Kamara at Senado para sa due process noong Hulyo 8, 2025 lalo na nang ibalik ng “Impeachment Court” sa Kamara ang complaint para sertipikahan ito na hindi labag sa Saligang Batas noong Hunyo 10, 2025.

Bago pa simulan ng Senado bilang “Impeachment Court” ang pagdinig sa kaso sa Agosto 4, 2025, nagdesisyon na ang SC nitong Biyernes o Hulyo 25, 2025.

Masasabing forthwith ang aksyon ng SC dahil inilabas ito bago pa magkaroon ng paglilitis na roon kukuwestiyunin pa rin ni VP Sara ang konstisyunalidad ng complaint.

Sa gitna ng awayan sa salitang forthwith, tama ang sinasabi ni Senator Chiz Escudero na “reasonable time” ang kahulugan ng salita at hindi kaagad-agad gaya ng ipinipilit ng mga pro-impeachment.

Iniligtas ng 13 mahistrado sa kanilang napapanahong unanimous decision ang bansa sa malaki sanang gastos sa kabang-bayan at pagsalaula sa Konstitusyon.

Saludo tayo sa makatarungan at forthwith na desisyon nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Associate Justices Marvic Leonen (nagsulat ng desisyon), Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro-Javier, Henri Jean Paul Inting, Rodil Zalameda, Samuel Gaerlan, Ricardo Rosario, Jhosep Lopez, Japar Dimaampao (on leave pero may botong pabor, Jose Midas Marquez, Antonio Kho, Jr., at Raul Villanueva.

Maging si AJ Villanueva na appointee mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ay pumabor sa desisyon kaya klarong walang kinikilingan ang mga mahistrado kundi ang Konstitusyon at batas.

MGA BATAYAN NG PAGBASURA

Ayon sa unanimous decision ng 13 mahistrado, nilabag ng mga kongresman ang Article Xl, Section 3 paragraph 5 ng Konstitusyon na nagsasabing dapat isang impeachment complaint lang ang maaaring isampa sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.

Paliwanag ng SC, ang naunang tatlong kaso ay sakop ng Article Xl, Section 3(2) na unang anyo ng pagsasampa ng kasong impeachment na bagama’t nailagay sa Order of Business, ay hindi inaksyunan at pinatulog (archived) ng Kamara kaya nang magsara ang sesyon ng ika-19 Kongreso, naging “effectively dismissed” na ang mga ito.

Ang ika-4 na kaso na ika-2 anyo ng pagsasampa ng kaso ay nasa ilalim naman ng Article Xl, Section 3(4) at kaiba sa unang tatlong kaso.

Dahil sa pagkakaiba at pagkaka-dismiss ng unang tatlong kaso, dito na itinuring ng SC ang ika-4 kaso na labag sa Article Xl, Section 3(5) ng Konstitusyon na one-year bar rule kaya “null and void ab initio” o wala nang bisa mula pa sa umpisa” at wala na ring batayan ang Senado para itayo ang sarili bilang Impeachment Court.

Ipinag-utos na rin ng SC na immediately executory o ipatupad agad ito simula noong Biyernes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here