Home METRO 144 pasahero ng barko, naligtas ng PCG sa Leyte

144 pasahero ng barko, naligtas ng PCG sa Leyte

297
0

LEYTE, Philippines – Kabuuang 144 pasahero ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Caost Guard (PCG) sa rescue operation sa karagatan sakop ng Catarman Point, Leyte nitong Lunes, Hulyo 28, 2025.

Nakaranas umano ng engine trouble ang MV Lapu-Lapu Ferry 1 hanggang sa mamatay ang makina nito sa gitna ng dagat.

Kasunod nito, dahan-dahang tinatangay ng agos ang sasakyang-pandagat patungong Baybay City Port.

Sa koordinasyon ng Coast Guard Station (CGS) Western Leyte sa Coast Guard Sub-Station Baybay, agad na pinakilos ang Quick Response Team (QRT). Sa pamamagitan ng MV Celsa 2, naisakay ang QRT ay nagtungo sa lokasyon ng nasirang sasakyang pandagat.

Matagumpay na nahila ang barko at nailigtas ang mga sakay nito patungong Baybay City Port. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here