Home ENTERTAINMENT ‘My baby,’ tawag ni Sue kay Dom!

‘My baby,’ tawag ni Sue kay Dom!

233
0

Manila, Philippines- Nanlumo ang mga DominSue fans nang walang naganap na wedding proposal sa nakaraang birthday nina Sue Ramirez at Dominic Roque.

Asang-asa pa naman ang mga ito’t lalo pa’t both share the same birthday.

Pang-married couple na raw kasi ang galawan ng magkasintahan.

Pero nabuhayan ng loob ang mga faney when their idols attended a wedding.

Hindi nga lang malinaw kung sinong common friend nila ang ikinasal.

Paano ba naman kasi, sa caption ng larawan ng dalawa’y in-address na “my baby” ni Sue si Dominic.

NR as in No Reaction naman si Dom but for sure, he felt just as giddy as their followers.

At dahil kasalan nga ang kapwa nila dinaluhan ay mismong kasal na ng dalawa ang inaabangan ng mga fans!

Pero teka, is it putting the cart before the horse dahil hindi pa nga nagpo-propose si Dom kay Sue?

Baka naman kasi humahanap lang ng tiyempo si Dom, hence huwag siyang pangunahan.

Let him bide his time dahil tiyak namang they will end up together! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here