Home METRO 10 pumuga sa Batangas, balik selda

10 pumuga sa Batangas, balik selda

253
0

BATANGAS, Philippines – Nadakip na kaninang umaga ang pinaka huling pumuga sa Batangas Provincial Jail sa isinagawang hot pursuit operation ng mga tauhan nang pinagsanib na puwersa ng Ibaan, Bauan Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 4A at Batangas Provincial Intelligence Unit.

Nadakip kaninang umaga Hulyo 29, 2025 ganap na alas-10:00 si alyas Gerald sa Barangay Manghinao Proper Bauan, Batangas.

Sa pamagitan ng drone ay natukoy ang eksaktong  kinaroroonan ni alyas Gerald mismong sa bahay nito na mabilis itong inaresto ng mga awtoridad kung saan pansamantala itong nasa kustodiya ng Bauan Municipal Police Station.

Kaugnay nito, dalawa sa PDL sa limang naaresto kahapon sa Sto Tomas Batangas ang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act) na sina alyas Dennis at Michael makaraan ang mga ito ay makumpiskahan ng baril at patalim.

Ang sampung tumakas na Persons Deprived of Liberty (PDL) ay kaagad na naibalik sa kulungan kung saan madadagdagan ang kasong kinakaharap.

Pinuri naman ni PBGEN Jack L. Wanky, Regional Director ng PRO CALABARZON, ang mabilis na aksyon ng kapulisan, katuwang ang mga concerned citizen at iba pang law enforcement agencies na humantong sa agarang  pagkaaresto sa sampung pumugang bilanggo.

“Ang mabilis at tuluy-tuloy na aksyon ng ating kapulisan ay patunay ng kanilang dedikasyon at husay. Hindi tayo magpapabaya pagdating sa kapayapaan at kaayusan sa ating rehiyon,” ani PBGEN Wanky. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here