Home METRO Walang kuryente sa ilang bahagi ng Benguet, Baguio dahil sa landslide

Walang kuryente sa ilang bahagi ng Benguet, Baguio dahil sa landslide

371
0
(c) PIA Benguet

BAGUIO CITY – Nasira ng landslide ang base ng poste ng kuryente ng Benguet Electric Cooperative (Beneco) dito nitong Martes, na nagdulot ng emergency power interruption sa ilang bahagi ng La Trinidad, Itogon, at Bokod sa Benguet, gayundin sa ilang lugar sa lungsod na ito.

Sinabi ng Beneco na inaasahang aayusin ang problema sa loob ng 10 hanggang 12 oras sa kabila ng masamang panahon, matapos maputol ng landslide ang kuryente sa tatlong feeder lines.

“Beneco is doing its best to restore power, but the weather is uncooperative,” ayon kay Laarni Ilagan, Beneco community relations officer.

Sinabi niya na ang mga response team ng Beneco ay naka-deploy 24/7 upang ayusin ang mga linya ng kuryente at tiyakin ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente, lalo na matapos ang serye ng mga tropical cyclone na nakaapekto sa Northern Luzon nitong mga nakaraang araw ay nag-iwan sa maraming lugar sa Benguet na walang kuryente.

“Our linemen are continuously operating to ensure that those affected by the different (cyclones), including the new problems, are addressed,” saad ni Ilagan.

Noong Lunes, nakipagpulong si Beneco General Manager Melchor Licoben sa mga linemen at mga inhinyero ng kooperatiba upang bigyan sila ng mga tagubilin sa kaligtasan habang nagsisikap silang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

“While we want to restore power, (we) never compromise the safety of our people,” aniya.

Ang Beneco ang nag-iisang electric distributor sa Baguio at Benguet, na may higit sa 250,000 koneksyon at 145,000 consumer-members. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here