Home HOME BANNER STORY DILG ‘full blast’ vs korap

DILG ‘full blast’ vs korap

193
0

Kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA), nangakong paiigtingin ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang imbestigasyon sa mga kaso ng katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan, lalo sa mga proyekto sa flood control.

“Ibibigay ko ‘to sa investigation side sa’min, sa mga nangyayari sa mga katiwalian na sinabi ng Presidente. We are going to go full blast on that. We will make sure that we cover [everything]. Gagawin namin ‘yan,” ani Remulla sa isang interbyu.

Kabilang din sa tinutukan ng DILG ang pagpapalakas ng seguridad sa pamamagitan ng pag-upgrade sa Emergency 911 system, pagdaragdag ng mga firetruck, CCTV, at kagamitan para sa kapulisan.

Sa usapin ng kahandaan sa sakuna, pinaigting ang mga programa tulad ng “Operation Listo” at “Listo si Kap” para sa mas epektibong kilos ng mga barangay.

Hinikayat din ang LGUs na paigtingin ang solid waste management, early warning systems, at gamitin ang mga pampublikong espasyo bilang evacuation at disaster education centers. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here