MANILA, Philippines – Ibinunyag ng Philippine Navy, 23 barko ng China ang namataan sa apat na bahagi ng West Philippine Sea mula Hulyo 21 hanggang 27.
Kabilang dito ang mga barko ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Sabina Shoal, at Pag-asa Island.
Iginiit ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na patuloy na ipagtatanggol ng militar ang soberanya at teritoryo ng bansa sa kabila ng presensiya ng China at pagtanggi nitong kilalanin ang 2016 Hague ruling. Santi Celario






