Ipinatupad na sa 87 ospital ng Department of Health (DOH) sa buong bansa ang zero-balance billing, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.
Sa ilalim ng programang ito, sasagutin ng PhilHealth ang lahat ng gastos ng mga pasyenteng naka-admit sa basic accommodation o ward—kasama ang kama, gamot, at serbisyong medikal.
“Basta ‘wag lang kayo nasa private, kasi pag nagpunta ka sa private may bayad yung doctor, may bayad yung room. Basta nasa basic accommodation ka ng DOH, bayad na ang bill mo,” ani Herbosa.
Hindi naman sakop ng patakaran ang apat na GOCC hospitals gaya ng Heart, Lung, Kidney, at Children’s Centers, pero may mga benepisyo pa ring maaaring gamitin.
Kung walang PhilHealth ID ang pasyente, tutulungan siyang ma-enroll sa ospital mismo. Sinimulan ang programa noong Mayo 2025 at may sapat na pondo ang gobyerno para dito. RNT