Home NATIONWIDE Kapangyarihan ng Kongreso sa badyet, iginiit ni Escudero

Kapangyarihan ng Kongreso sa badyet, iginiit ni Escudero

274
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Miyerkules na hindi maaaring awtomatikong aprubahan ng Kongreso ang panukalang budget ng executive branch at iginiit na ang legislative body ay may “power of the purse.”

Sinabi ito ni Escudero nang tanungin tungkol sa kanyang reaksyon sa babala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) na hindi niya lalagdaan bilang batas ang isang national budget na “misaligned” sa mga programa ng kanyang administrasyon.

Sinabi rin ni Marcos na hindi siya magdadalawang-isip na mag-operate sa isang reenacted budget sa susunod na taon kung hindi siya makuntento sa budget na isusumite sa kanya ng Kongreso para sa pag-apruba.

“While I agree that the administration has the prerogative to pursue its proposed budget, under the Constitution, the power of the purse still belongs to Congress,” ayon kay Escudero.

“Hindi naman pupuwede na lahat ng isusumite ng executive ay ganoon na lamang, automatic, parang rubber stamp ang Kongreso,” dagdag pa niya.

“On the part of the Senate, we will review the budget, and we will propose amendments that need to be proposed, in accordance with the inputs given to us as well.”

Hinimok ni Escudero ang executive branch na kausapin ang kanilang mga kalihim kung talagang gusto nilang sundin ang orihinal na budget.

“Doon tayo magsimula, na wag nang mag-lobby sa Kongreso kaugnay sa mga pagbabago [at] dagdag pa na budget para sa kani-kanilang mga departamento, upang sa gayon input na lang kung saka-sakali ng Kamara at Senado ang pag-uusapan,” aniya.

Inaprubahan ni Marcos ngayong buwan ang panukalang P6.793 trilyon na badyet para sa 2026.

Nauna nang sinabi ng budget agency na nakatanggap ito ng budget proposals na may kabuuang P10.101 trilyon ngunit kailangang suriin ang mga programa at proyekto dahil sa limitadong fiscal space at layunin nitong bawasan ang deficit ng gobyerno mula 5.5 percent ng GDP noong 2025 hanggang 4.3 sa 2028. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here