Home NATIONWIDE Pekeng CENOMAR na ibinebenta online, ibinabala ng PSA

Pekeng CENOMAR na ibinebenta online, ibinabala ng PSA

275
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa pekeng “temporary” CENOMAR na ibinebenta online.

“Walang temporary CENOMAR,” ayon kay Emilio Querubin Jr., hepe ng Civil Register Management Division ng PSA. Giit niya, hindi nawawala ang rekord ng kasal, kaya mas mainam na magpa-annul kung nais magpakasal muli.

Isang OFW na si “Cynthia” ang umaming naengganyo sa mga online na alok, umaasang makalaya sa matagal nang hiwalayang nagsimula pa noong 2012. Ayon sa ilang post, maaaring kumuha ng CENOMAR kahit kasal pa at sinasabing ito ay mula umano sa PSA.

Nilinaw ng PSA na ang totoong CENOMAR ay patunay na walang naitalang kasal ang isang tao sa Pilipinas. Nagbabala rin ang ahensya na madaling matukoy ng mga embahada ang mga peke.

“Kapag ikinumpara sa database ng PSA, siguradong mabubuko,” ayon kay Querubin. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here