Home OPINION INGATAN SARILI SA PANGANIB NG KALAMIDAD

INGATAN SARILI SA PANGANIB NG KALAMIDAD

93
0

KABILANG sa tinatawag na “natural hazard’ ang habagat at bagyo. Hindi natin ito mapipigilan pero maaaring maiwasan ang taglay nitong panganib. Kasi naman magdudulot ito ng madulas na daan lalo na kung aakyat ka sa madulas ding hagdanan. Mabuti sana kung mahuhulog ka sa iyong minamahal, ‘eh paano kung padapa ang bagsak? Mashaket yun, He! He! He!

Kunsabagay, maaari ka pa ring tumayo at maglakad habang nilalabanan ang malakas na hangin para lamang makauwi. Paano kung mawalan ng kuryente at napadaan ka naman sa isang madilim na lagusan, toink! Bukol ang aabutin, hindi pa kasama riyan ang sakit na maaaring makuha sa paglusong sa baha tulad ng leptospirosis. ‘Eh bakit nga ba bumaha, dahil daw ba iyan sa nalustay na flood control budget, este dahil pala sa baradong drainage o pag-apaw ng dam pala?

Nakupo! Napakadelikado rin kung lumusot ang isang paa sa isang manhole na walang takip. Gustuhin mo mang umuwi sa probinsya, may posibleng landslide naman dulot ng paglambot ng lupa sa bundok o kapatagan.

Hayyy, kaya mas mabuting ipagpaliban muna ang paglabas ng bahay kapag masama ang panahon.

Mahirap nang makipagsapalaran. Kung sakali mang lalabas at magmamaneho, unahing usisain ang kondisyon ng sasakyan at maging banayad sa paghawak ng manibela.

Pag-uwi sa bahay at sa paghupa ng baha, solusyunan ang mga naipong tubig-baha at panatilihing malinis ang lugar kasi baka mamahay at dumami ang lamok na nagdudulot ng dengue fever. Hugasan din ang mga kamay at paa para maiwasan din ang sakit na leptospirosis.

Kung malapit ang iyong bahay sa bundok, maging alerto din sa posibleng landslide. Mas mainam kung may kaalaman ang pamilya sa mga paghahanda sa emergency evacuation. Alamin ang lokal emergency hotline, lokasyon ng evacuation area at mga dapat dalhin sa paglikas in case na tumaas ang tunog ng alarma.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here