Home NATIONWIDE Kaanak ng missing sabungeros, ‘hinihikayat’ ng ilang CIDG cops na kasuhan si...

Kaanak ng missing sabungeros, ‘hinihikayat’ ng ilang CIDG cops na kasuhan si Patidongan

214
0

MANILA, Philippines – Inireklamo ng ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero na pinilit umano sila ng mga tauhan ng PNP-CIDG na kasuhan si whistleblower Julie “Dondon” Patidongan at palabasing siya ang utak ng mga pagkawala.

Sa ulat, sinabi ng isang kaanak na tinawagan siya ng pulis at sinabing ayon sa kanilang affidavit, si Patidongan ang dapat kasuhan.

“Gusto nilang palabasin na si Sir Dondon ang may kasalanan sa lahat,” aniya. Tumanggi umano silang pumirma kung si Patidongan ang isasangkot.

Nakarating na ang usapin sa DOJ. Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, isa ito sa mga dahilan kung bakit natanggal sa pwesto ang service director ng CIDG.

Samantala, muling nagsagawa ng search operations ang Philippine Coast Guard sa Taal Lake at nakatagpo ng mga buto at bungo ng tao na may nakakabit pang ngipin, na maaaring may DNA.

Ayon kay Remulla, nakuha ang mga labi sa mga lokasyong itinuro ni Patidongan at ilan sa mga ito ay maaaring biktima ng war on drugs. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here