Home NATIONWIDE Ex-Palawan gov Reyes pinatawan ng 66-taong kulong

Ex-Palawan gov Reyes pinatawan ng 66-taong kulong

270
0

MANILA, Philippines – Pinatawan ng animnapu’t anim (66) na taon na pagkakakulong ng Sandiganbayan si dating Palawan Governor Mario Joel Reyes at ang Provincial Planning and Development Coordinator na si Samuel Madamba II.

Napatunayan ng Sandiganbayan na guilty sina Reyes at Madamba sa labing-isang bilang ng kasong graft kaugnay ng maling paggamit ng P1.53 bilyon na royalties mula sa Malampaya Gas Field noong 2009.

Sa 625-pahinang desisyon ng anti-graft court, sinentensyahan sina Reyes at Madamba na makulong ng mula anim hanggang sampung taon para sa bawat bilang ng kasong katiwalian—na may kabuuang sentensiyang animnapu’t anim na taon na pagkakakulong.

Ang P1.53 bilyon na halaga ng Malampaya Gas Field royalties ay ginastos umano sa pagtatayo ng mga school building, San Vicente Airport Development Project, mga road project, solar home system, at day care center.

Sinabi ng korte na nagpakita ng pagkiling ang akusadong si Reyes nang mali nitong suriin ang GMA bid proposal at igawad ang napakarami at magkakasunod na kontrata sa iisang contractor.

Batay sa ulat ng Commission on Audit at sa mga iprinesentang dokumento, kabilang ang mga iginawad na kontrata, idineklara ng Sandiganbayan na malinaw na nalabag ang contractual obligations.

Dagdag ng Sandiganbayan, bigo rin sina Reyes at Madamba na isapubliko ang bidding para sa naturang mga government contract. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here