Home NATIONWIDE CICC nangakong wawakasan e-sabong

CICC nangakong wawakasan e-sabong

245
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na paiigtingin pa ang kampanya laban sa online sabong, na itinuturing nitong banta sa cybersecurity at lipunan.

“This is not just about gambling. This is about organized cybercrime, financial fraud, and the exploitation of digital loopholes,” ayon kay Atty. Renato Paraiso, deputy executive director ng CICC.

Giit niya, hindi sapat ang total ban sa online gambling. Aniya, mas epektibo ang pagkakaroon ng mahigpit, malinaw, at reguladong sistema.

Pinalalakas na ng CICC ang kakayahan nito sa surveillance at digital forensics upang labanan ang mga cybercrime gaya ng online scam, child sexual exploitation, identity theft, at ilegal na online gambling.

Nanawagan din si Paraiso sa mga mambabatas at regulator na bumuo ng balanse at epektibong batas na magpaparusa sa mga lumalabag nang hindi pinipigilan ang inobasyon sa digital finance at entertainment.

“This is no longer just a legal issue. It is a governance issue, an ethical issue, and a national security issue,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here