Home OPINION MAY ‘SALA’ SA BAHA: MGA KORAP

MAY ‘SALA’ SA BAHA: MGA KORAP

256
0

KUNG ano-ano lang ang mga pinagsasabing mga dahilan ng matitinding pagbaha sa mahal kong Pinas.

Binanggit natin kahapon ang ilan sa mga dahilan ng pagbaha. Ayon sa Department of Public Works and Highways, kasama sa mga pangunahing dahilan ang mababaw nang mga daluyan nang tubig at mababang badyet laban sa baha.

Nang bumagsak naman ang isang span o bahagi ng P1.2 bilyong Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela nitong Pebrero 2025 na proyekto laban sa baha, ‘yung driver ng truck ang sinisi sa pagdala nito ng 102 toneladang kargada.

Hanggang 44 tonelada lang umano ang kayang kargahin ng tulay.

Inginunguso naman ng iba ang climate change o pagbabago ng panahon.

‘Yun bang === ukung minit, sobrang init at may kasamang matinding tagtuyot at kung lumamig sobrang lamig na may kasamang siyam-siyam na ulan at malalakas na bagyo na dahilan ng mga tuloy-tuloy at malalaking pagbaha.

Totoo naman ang mga dahilang ito ng pagbaha.

Subalit may nawawalang napakahalagang bagay.

Korapsyon iyon na inamin mismo ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address kamakailan.

Nagbanta pa itong ipakukulong nito ang mga mapatutunayang sangkot sa nasabing krimen.

P1 TRILYON SA P2 TRILYON IBINULSA

Partikular sa sinasabi ng DPWH na maliit lang ang badyet laban sa baha kaya hindi ito gaanong makakilos nang todo sa paggawa ng mga proyektong kontrabaha at kinuwenta itong P1.2 trilyon mula 2019 hanggang Mayo 2025, iba naman ang sinasabi ng iba.

Ayon sa mga senador, halos aabot sa P1 trilyon ang pinagsama-samang pondong kontra-baha sa nakalipas na tatlong taon ng administrasyong Marcos, kasama na ang P350 bilyon para sa 2025.

Ang mas matindi, mga Brod, sinasabi naman ni Senador Ping Lacson na may 2 trilyon nang lumabas na pondo laban sa baha.

Ang masaklap, noong 2021 habang tumatakbo siya sa pagka-Pangulo, sinasabi niyang 40% sa kabuuang badyet laban sa baha ang ibinubulsa ng mga ganid na opisyal at kasabwat nila.

Kamakailan lang naman, sinabi Lacson na P1 trilyon o kalahati ng P2 trilyon ang ibinubulsa ng mga korap.

Kung totoong may P1.2 trilyon o P2 trilyon nang anti-flood fund ang nagamit na, maituturing bang maliit ang badyet para sa baha?

TUNAY Na UGAT NG BAHA

Kung pagsama-samahin lahat ng usapin sa itaas, mga Brod, lumilitaw na ang mga korap ang pangunahing dahilan ng mga pagbaha.

Kung ibinubulsa nila ang 40-50 porsyento ng trilyones na badyet sa mga proyekto kontra-baha, sila ang may sala at pinakaugat ng mga pagbaha.

Dahil sa korapsyon, hindi buong nalalabanan ang mga baha na likha ng climate change, ang pagbabaw ng mga daluyan ng tubig, mga bagyo, ulan, habagat at iba pa.

IKUKULONG?

Sabi ni Pang. Bongbong, ipakukulong nito ang mga sangkot sa korapsyon sa usapin.

Nang sabihin niyang itigil na ang mga “for the boys, SOP” iba pa, mistulang inamin na rin niyang may nagaganap nang korapsyon sa nakalipas nang tatlong taon.

Tanong: Sino-sino kaya ang mapakukulong niya sa mga senador, kongresman at miyembro ng gabinete na pinaniniwalaang pangunahing sangkot sa korapsyon?

Ito ang ating babantayan na pangako ni Pang. Bongbong Marcos hanggang 2028.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here