Home METRO ₱6.8M tobats nasabat, 2 arestado sa Lanao del Norte

₱6.8M tobats nasabat, 2 arestado sa Lanao del Norte

520
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang suspek at nasabat ang tinatayang ₱6.8 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Maranding, Lala, Lanao del Norte nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa PDEA-9.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Junaid, 20, at Warda, 25, isang negosyante—kapwa residente ng Salvador, Lanao del Norte.

Narekober mula sa kanila ang isang kilo ng shabu, marked money, dalawang cellphone, at iba pang personal na gamit.

Pinangunahan ng mga operatiba ng PDEA-Zamboanga del Norte at Lanao del Norte ang operasyon, kasama ang mga pulis. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ito na ang pinakamalaking drug haul sa Lanao del Norte ngayong Hulyo, kasunod ng ₱2.5M at ₱3.4M drug bust sa Lala at Kolambugan noong Hulyo 12 at 13. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here