Home NATIONWIDE ₱10.5B pinsala sa imprastuktura sa habagat, bagyo – NDRRMC

₱10.5B pinsala sa imprastuktura sa habagat, bagyo – NDRRMC

558
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa mahigit ₱10.5 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura dulot ng habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong, ayon sa ulat ng NDRRMC nitong Biyernes.

Apektado ang 1,438 pasilidad sa 10 rehiyon. Pinakamalaking pinsala ang naitala sa Central Luzon (₱3.8B) at Ilocos Region (₱3.1B), sinundan ng Cordillera (₱1.2B), Calabarzon (₱1B), at Mimaropa (₱701M).

Nasira rin ang 736 na kalsada, 43 tulay, at 55,550 kabahayan. Umabot naman sa ₱2.2 bilyon ang pinsala sa agrikultura.

Naitala ang 37 na nasawi, 33 ang sugatan, at 8 ang nawawala. Mahigit 8.2 milyon katao ang naapektuhan, habang 102,060 pa ang nasa evacuation centers.

Ayon sa Pagasa, patuloy ang pag-ulan dulot ng habagat, at posible ring pumasok sa PAR ang isang low-pressure area na maaaring maging unang bagyo sa Agosto. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here