Home NATIONWIDE 3 Chinese research vessel namataan sa loob ng PH waters — PCG

3 Chinese research vessel namataan sa loob ng PH waters — PCG

191
0

MANILA, Philippines – Binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong Chinese research vessels na namataang gumagalaw sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas nang walang pahintulot.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, kabilang sa mga barko ang Zhuhaiyun at Xiang Yang Hong 10 na namataan malapit sa Balagtas (Irving) Reef, kanlurang bahagi ng Palawan, habang ang Bei Diao 996 ay nakita sa kanluran ng Bajo de Masinloc.

Umalis ang mga barko mula Guangdong, China noong Hunyo at Hulyo, at pumasok sa EEZ ng bansa nitong Hulyo 23 at 25.

Iniutos ni PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan ang pag-intercept at patuloy na pagbabantay sa mga nasabing barko. Gumamit ang PCG ng Dark Vessel Detection Program ng Canada upang subaybayan ang kanilang galaw.

May kakayahang magsagawa ng scientific at posibleng military operations ang mga barko. Sinusuri ngayon ng PCG kung nagsasagawa ang mga ito ng ilegal na marine scientific research. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here