Home NATIONWIDE Israeli timbog sa NAIA sa iligal na armas

Israeli timbog sa NAIA sa iligal na armas

211
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang 50-anyos na Israeli national sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City dahil sa ilegal na pagdadala ng mga bahagi ng baril at bala, ayon sa Philippine National Police-Aviation Security Group (AVSEGROUP).

Ang suspek, isang defense consultant at military reservist mula Jerusalem, ay patungong Dubai na may connecting flight papuntang Tel Aviv. Nahuli siya matapos mapansin ng X-ray operator ang kahina-hinalang imahe sa kanyang bagahe.

Narekober mula sa kanyang checked-in luggage ang mga disassembled na bahagi ng baril gaya ng components ng 5.56mm rifle, .22 caliber revolver frame at cylinder, .45 magazine, at mga kahon ng live ammunition.

Bigong makapagpakita ng kaukulang dokumento ang suspek para sa pagdadala ng naturang kagamitan. Dinala siya sa NAIA Police Station 3 para sa masusing imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Ayon kay AVSEGROUP chief Police Brigadier General Jason Capoy, “This incident underscores our unwavering commitment to airport security.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here