Home NATIONWIDE 100K klasrum posible sa PPP -Angara

100K klasrum posible sa PPP -Angara

274
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara na kailangan ang Public-Private Partnerships (PPP) scheme para makapagtayo ang gobyerno ng mahigit 100,000 silid-aralan sa bansa sa loob ng lima hanggang 10 taon.

Ito ay matapos ipangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (Sona) kamakailan na magtatayo ng 40,000 bagong silid-aralan bago magtapos ang kanyang administrasyon sa 2028—na may suportang buong pondo mula sa Kongreso—upang isara ang krisis sa kakulangan sa silid-aralan sa bansa.

Ayon kay Angara, dinaragdagan na nila ang PPP “to accelerate the construction of much-needed classrooms.”

“With the help of the private sector, we will build more classrooms,” saad niya.

“We can build over 100,000 classrooms in five to 10 years,” he pointed out, adding that over the past decade, the government “has only been able to build about 6,000 classrooms yearly.”

Binigyang-diin ni Angara na ang kakulangan sa mga silid-aralan ay kailangang matugunan kaagad, dahil ito ay nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon ng mga batang mag-aaral.

Sinabi din ni Angara na ang proyekto ay inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa mahigit 600,000 mag-aaral sa buong bansa at makabuo ng mahigit 18,000 trabaho. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here