MANILA, Philippines – Inaasahan ng Philippine monetary authorities na bababa ang inflation rate ng bansa noong nakaraang buwan sa gitna ng patuloy na pag-urong ng presyo ng bigas.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inaasahang ang inflation rate ng Hulyo 2025 ay maaayos sa loob ng 0.5% hanggang 1.3% range.
Ang projection ng central bank para sa inflation print noong nakaraang buwan ay mas mababa kumpara sa 1.4% rate na nakita nitong Hunyo.
“Upward price pressures for the month are likely to be driven by higher meat and vegetable prices partly due to unfavorable weather conditions, increased electricity rates, elevated domestic fuel costs, and the depreciation of the peso,” saad ng BSP.
“These price pressures, however, could be partially offset by the continued decline in rice prices,” dagdag pa nito.
Sinabi ng BSP na patuloy nitong susubaybayan ang mga pag-unlad na nakakaapekto sa outlook para sa inflation at paglago alinsunod sa kanyang data-dependent approach sa monetary policy decision-making. RNT/MND