Home ENTERTAINMENT Arci, nag-post ng bagong itsura; Netizens, nagtataka?

Arci, nag-post ng bagong itsura; Netizens, nagtataka?

251
0

Manila, Philippines- Hati ang mga reaksyon ng mga netizens sa ipinost na video ni Arci Muñoz sa kanyang TikTok account.

As usual, ang unang pinansin ng mga ito ang “new look” o ibang hitsura na naman ng aktres.

Kilala si Arci sa pagpaparetoke ng mukha, at hindi niya ito ikinahihiya.

Tanging emoji lang ang nilakip niyang caption, no hint whatsoever kung ano ang ipinabago niya sa kanyang fez.

llan lang sa mga comments ay umaasang last na daw sana ‘yon, as in huling pagpaparetoke na niya.

Nanghihinayang naman ang ilan kung bakit ang magandang tulad ni Arci ay naiisipan pang baguhin ang mukha.

Tuloy, netizens address her as “auntie”!

Matatandaang in her TV guesting months ago, mismong si Arci na rin ang nangumpisal na she regretted having undergone cosmetic surgery.

Nagsisisi man ay wala na siyang magagawa.

‘Ika nga, Arci can no longer undo the damage she caused herself.

Kaya takang-taka ang mga netizens sa panibago na namang look ni Arci! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here