MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naramdaman ang 11 volcanic earthquakes sa paligid ng bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag iniulat kanina ng ahensya Agosto 1, 2025 (Biyernes).
Ayon sa Phivolcs dahil sa pagyanig nakataas sa alert level 2 ang paligid ng bulkang Kanlaon.
Nabatid pa sa ahensya na nagbuga ng usok ang bulkan na may taas na 75 metrong taas at mahinang pagsingaw.
Sinabi pa ng Phivolcs na iniulat din ang pamamaga ng bulkang Kanlaon sa na nakalipas na 24 oras.
Kaugnay nito sinabi pa sa Phivolcs na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrongt (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ), pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Samantala nagbabala rin ang Phivolcs na maaaring maganap ang mga sumusunod biglang pagputok ng bulkan at ang paulit ulit na pagputok nito. (Santi Celario)