Home METRO Hubo’t hubad na riders sa viral video sa Zamboanga City, pinaghahahap ng...

Hubo’t hubad na riders sa viral video sa Zamboanga City, pinaghahahap ng pulisya

699
0

ZAMBOANGA City, Philippines – Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang dalawang binatilyong nag-viral online dahil sa pagsasayaw ng hubo’t hubad habang naka-motorsiklo sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat, ang mga lalaki ay hindi rin nagsuot ng helmet habang ginagawa ang mapanganib na stunt.

Inutusan ng Zamboanga City Hall ang CCTV Command Center na i-backtrack ang footage sa kahabaan ng Governor Camins Avenue para matukoy ang mga tao sa video.

“Nakita natin doon sa viral, nakikita yung plate number ng motor, klaro. So ang pulis na ang mag-pursue ng  kaso na ito,” ani retired Colonel Edwin De Ocampo ng Office of the City Mayor.

Samantala, nakuha na ng Zamboanga City Police Station 11 ang pangalan ng rehistradong may-ari ng isa sa mga motorsiklo. Lahat ng sangkot sa stunt ay mahaharap sa mga kaso, dagdag pa nito.

“Through close coordination with the Land Transportation Office, we have successfully verified the registered owner of the motorcycle involved in the incident. Appropriate charges, such as alarm and scandal, and violations of existing traffic laws, will be filed against the individuals responsible,” ayon sa pulisya.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na kinunan ang video sa oras ng curfew para sa mga menor de edad mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. Kaya naman, hinihimok ng Office of the City Mayor ang mga barangay na mahigpit na ipatupad ang curfew para sa mga menor de edad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here