Home ENTERTAINMENT Melanie, niregaluhan ng replica ng Ms. Int’l crown!

Melanie, niregaluhan ng replica ng Ms. Int’l crown!

225
0

Manila, Philippines- A replica is good enough.

Ito ang nasa isip-isip ni Michelle Dee nang sorpresa niyang regaluhan ang kanyang ina ng replica ng Miss International crown nito.

Tuwang-tuwa si Melanie Marquez nang iabot ng beauty queen ding anak ang isang malaking kahon na may ribbon pa.

Ani Michelle, ilang taon na raw nawawala ang orihinal na koronang ipinutong sa ulo ng ina sa nasabing global pageant.

Ninakaw daw kasi ito.

Iniabot ni Michelle ang kahon while inside a car.

Gulat na gulat si Melanie, thinking na na-recover ang ninakaw na korona.

Pero replica lang pala, na pinagplanuhan ani Michelle ni Sir Voltaire Tayag “with details I didn’t even know about.”

Post ni Michelle patungkol sa ina, araw-araw raw ay ipinagdiriwang niya ang Mother’s Day.

Araw-araw din daw isineselebra ng anak ang kaarawan ng ina, July 16. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here