Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng programang “Bayanihan sa Estero” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Buli Creek, Ilugin River sa Pinagbuhatan, Pasig City ngayong Sabado, Agosto 2.

Kasama ni Marcos sina Pasig City Mayor Vico Sotto, DILG Secretary Jonvic Remulla, MMDA Chairman Don Artes, at iba pang opisyal ng gobyerno sa naturang event.

Layunin ng proyekto na paigtingin ang mga pagsisikap na linisin at mapanatili ang drainage infrastructure sa Metro Manila upang maiwasan ang pagbabara na nag-aambag sa matinding pagbaha sa panahon ng tag-ulan. DANNY QUERUBIN







