Home ENTERTAINMENT Daniel, ‘tinasahan’ ang sarili!

Daniel, ‘tinasahan’ ang sarili!

248
0

Manila, Philippines- Kahit sabihin pang high-end ang nakatayong salon o barber shop nearest your place ay wala itong silbi.

Bakit ‘ika n’yo?

Kailanman kasi’y hindi nito magiging parokyano si Daniel Padilla!

No, it’s not because the Kapamilya actor has just put up one.

Ito’y sa dahilang puwede naman pala siyang mag-DIY as in do-it-yourself.

May latest post kasi si DJ sa X o dating Twitter.

Makikita siyang may tangang razor at aktong inaahit niya ang kanyang ulo.

Take note, mapasaang anggulo ay gamay na gamay niya ang pag-aahit.

Mukhang kuha ang “shaving scene” na ‘yon sa set ng Incognito dahil nasa loob siya ng tent facing the mirror.

May mga miron pa sa paligid na hinihintay siyang matapos magtasa sa sarili.

Hindi nga mamumroblema si Daniel in case magsarang lahat ang mga barberya’t salon sa buong Pilipinas.

Eh, ‘di magsarili nga naman, nakatipid pa siya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here