Home NATIONWIDE Emergency room ng PGH ‘overcapacity’ na

Emergency room ng PGH ‘overcapacity’ na

292
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na humanap ng ibang hospital dahil ang kanilang emerency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’.

Ayon sa PGH, lumagpas na sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisensyo lamang sa 75.

Sa kanilang Facebook post, ipinaalam ng PGH na ang kanilang Emergency Room ay kasalukuyang higit na sa kapasidad dahil sa mataas na bilang ng mga pasyenteng dumarating.

Dahil dito, ang ospital ay kasalukuyan ngayon na hindi muna tatanggap ng pasyente sa ER maliban na lamang sa mga nasa kritikal na kondisyon.

Kinumpirma ni PGH spokepserson/coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakakaalarmang sitwasyon.

Sa nagdaang mga araw, ang bilang ng mga pasyente ay biglang tumaas.

Upang malimitahan ang pagtatanggap ng mga pasyente para lamang sa critically ill, ang ospital ngayon ay nasa “Code Triage” .

Kabilang sa mga dahilan ng biglaang pagtaas ng pasyente ang nagdaang sama ng panahon at mga pagbaha na nagdulot ng infectious diseases tulad ng leptospirosis at pneumonia kasama ang pagsirit naman ng kaso na may kinalaman sa sepsis, stroke, at chronic illnesses tulad ng diabetes, heart at kidney disease.

Nakadagdag din sa pagdami ng pasyente sa PGH ang mga inilipat mula sa maliit na public at private hospitals na kadalasang walang maayos na koordinasyon.

Kabilang sa mga alalahanin ng hospital ang limitadong oxygen ports at beds, kaya napipilitan ang hospital na gamutin ang mga pasyente sa labas ng kanilang espesyalisasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here