Home NATIONWIDE Pagpapalawak ng passenger terminal building ng Siargao Airport sisimulan sa Biyernes –...

Pagpapalawak ng passenger terminal building ng Siargao Airport sisimulan sa Biyernes – DOTR

234
0

MANILA, Philippines – Magsisimula na sa Biyernes, Agosto 8 ang konstruksyon ng pinalawak na passenger terminal building ng Siargao Airport, sinabi ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOTr, ito ay upang mapahusay ang karanasan sa paglalakbay at magarantiya ang kaginhawaan ng mga lokal at dayuhang manlalakbay.

Noong Marso ng taong ito, nagdirekta ng ilang pagbabago si DOTr Secretary Vine Dizon sa Siargao Airport.

Ipinag-utos niya ang modular expansion sa nasabing paliparan para madagdagan ang seating capacity at tugunan ang matinding pagsisiksikan, gayundin ang pag-alis ng VIP lounge at redundant x-ray machines para mapabilis ang proseso ng security check.

Ayon kay Dizon, ang ahensya ay may long-term goal sa paggawa ng Siargao Airport dahil inatasan din niya ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pabilisin ang mga plano para sa pagpapalawig ng runway at pagtatayo ng bago at wrld-class na passenger terminal.

Kapag natapos na, ang pinalawak at modernong Siargao Airport PTB ay maaaring mag-accomodate ng tatlong beses sa kasalukuyang kapasidad nito mula 200 pasahero hanggang sa hindi bababa sa 750 pasahero araw-araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here