MANILA, Philippines – Nagpakita ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga registrants para sa barangay at Sangguniang Kabataang Election (BSKE), sinabi ng Commisson on Elections (Comelec).
Kahapon lamang, Agosto 4 ay sinabi ng Comelec na umabot sa pinakamataas na bilang na 260,787 ang mga nagparehistro.
Sa kabuuan, umabot na sa 881,772 ang bagong registered voters sa buong bansa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga bagong rehistranteng may kabuuang 64,131, sinundan ng Region IV-A (102,335) at Region III (52,372).
Naitala naman ang pinakamababang bilang ng mga rehistrasyon sa BARMM (30,235).
Samantala, inilabas na rin ang itinerary ni Chairman Garcia para sa mga aktibidad sa rehistrasyon ng mga botante sa Agosto 6 na bibisitahin naman ng poll body sa mga sumusunod na lugar:
– 8:00 AM: Punong Tanggapan ng COMELEC, EDSA kanto Quezon Avenue, Quezon City
– 4:00 PM: PITX (Malapit sa istasyon ng LRT, 3rd Floor), ParaƱaque City