Home OPINION 4Ps NAIS BUWAGIN NI SEN. ERWIN TULFO; AYUDA GAWING PUHUNAN AT PAGKAKITAAN

4Ps NAIS BUWAGIN NI SEN. ERWIN TULFO; AYUDA GAWING PUHUNAN AT PAGKAKITAAN

146
0

IMINUMUNGKAHI ni Senator Erwin Tulfo ang tuluyang pagbuwag sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at ang pagbibigay na lamang ng pangkabuhayang puhunan sa mga benepisyaryo upang matulungan silang makapagsimula ng sariling kabuhayan.

Bilang taga-pangulo ng Se­nate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, iginiit ng senador na ang ganitong hakbang ay mas makakatugon sa mga isyung bumabalot sa kasalukuyang sistema ng 4Ps.

Pagbabahagi niya, mismong 4Ps beneficiaries ang nagsabi sa kanya noong siya ay kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na mas nais nilang magkaroon ng puhunan para sa kabuhayan kaysa sa buwanang cash assistance.

Dagdag pa ni senador Tulfo na nasasaktan ang mga benepisyaryo ng 4Ps na tawagin si­lang mga palamunin, tamad, at walang ambag sa bansa.

Kung mabibigyan sila ng pu­hunan, maaari silang magtayo ng sari-sari store, maliit na ka­rinderya, o magbenta online, na malaki ang maitutulong sa eko­nomiya.

Tinukoy rin ni Tulfo ang pagi­ging hindi patas ng kasalukuyang sistema para sa minimum-wage earners katulad ng mga secu­rity guard, janitor, at kasambahay na hindi nakikinabang sa 4Ps dahil hindi sila kuwalipikado, kahit sila ay kapos din ang kita.

Balak niyang talakayin ang mungkahing ito sa pakikipag­pulong kay President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. at DSWD secretary Rex Gatchalian.

Mariin naman ang pagtutol ni Mamamayang Liberal representative Leila de Lima sa balak ni Senador Erwin Tulfo.

Aniya, mas kailangang pala­kasin at paunlarin ang prog­ra­ma at hindi buwagin.

Sabi ng dating senadora na kabilang sa nagsulong ng pagsasabatas ng 4Ps, gawing maayos na targeting, mahigpit na mo­ni­toring, at mahusay na support system.

Suportado niya ang panukalang na maglalaan ng adult education, livelihood training, em­ployment facilitation, at entrepreneurship development.

Sa datos ng DSWD, mayroong 4.4 milyon na benepisyar­yo ng programa.

Bagama’t iniuulat ng kagawaran ang patuloy na pagdami ng mga nagtatapos na pa­milya sa programa, paulit-ulit na bi­nabatikos ang 4Ps dahil sa uma­no’y maling pamamahagi, pagsandal sa ayuda, at diuma­no’y hindi lahat ng benepisyar­yo ay tunay na nangangai­la­ngan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here