Home METRO Pangunahing suspek sa pagpaslang sa radioman sa Bislig, nasakote

Pangunahing suspek sa pagpaslang sa radioman sa Bislig, nasakote

211
0

SURIGAO DEL SUR — NADAKIP ng mga awtoridad ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Erwin “Boy Pana” Segovia ng Bislig City noong Hulyo 21.

Kinilala ng Surigao del Sur Provincial Police Office (PPO) ang suspek sa alyas na Jeffrey Birador, 40 taong gulang, isang magsasaka mula sa bayan ng Lingig.

Sa bisa ng search warrant, inilatag ang operasyon laban sa suspek bandang alas-7 ng gabi noong Agosto 2 sa kanyang bahay sa Sitio Napanpanan, Barangay Rajah Cabungsuan, Lingig.

Nasamsam sa loob ng bahay ang dalawang kalibre .45 baril na may tig-anim na bala sa magazine at isang granadang pampasabog, ayon sa PPO.

Dinala ang suspek sa Lingig Municipal Police Station matapos ang kanyang pagkakaaresto.

Ayon kay Col. Jeffrey Mauricio, provincial director ng Surigao del Sur police na “Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon at pagsisikap ng ating mga tagapagpatupad ng batas para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa ating mga komunidad. Hindi lamang naaresto ang isang mahalagang suspek, kundi nasamsam din ang mga ilegal na armas at pampasabog na maaaring magdulot ng kapahamakan.”

Dagdag pa ni Mauricio, patuloy ang kanilang pagtatrabaho upang ipatupad ang batas at papanagutin ang mga lumalabag dito.

— Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here