MANILA, Philippines – Isang 78-anyos na babae ang nasawi matapos ma-trap sa loob ng nasusunog na apat na palapag na bahay sa Scout Rallos Street, Quezon City.
Nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng hapon at umabot sa second alarm bago tuluyang naapula makalipas ang isang oras.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Santi Celario