Home NATIONWIDE P5,000 multa ipapataw sa gagamit ng improvised, lumang plaka

P5,000 multa ipapataw sa gagamit ng improvised, lumang plaka

228
0

MANILA, Philippines – Simula sa susunod na linggo, mahigpit nang ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) ang “No Plate, No Travel” policy, kung saan pagmumultahin ng ₱5,000 ang mga motorista na gagamit ng improvised, temporary, o luma nang plaka.

Ayon kay LTO Region 7 Director Glen Galario, dapat nang kunin ng mga may-ari ng sasakyan ang kanilang opisyal na plaka upang makaiwas sa multa. Nagsagawa na umano sila ng malawakang paalala sa publiko sa buong Central Visayas.

Kahit holiday, maraming motorista ang pumila sa LTO Mandaue. Isa na rito si Judy Macrohon na bumili ng motorsiklo noong 2018 pero pansamantalang plaka lang ang gamit. Aniya, mabilis lang ang proseso kaya sumunod na siya sa panuntunan.

Saklaw ng polisiya ang lahat ng di-awtorisado o luma nang plaka. Nasa 160,000 na ang natanggap na plaka ng LTO mula sa inaasahang 590,000 para sa rehiyon.

Para makuha ang plaka, kailangang magsumite ng photocopy ng Certificate of Registration (CR), latest Official Receipt (OR), at isang valid ID. Para sa secondhand vehicles, kailangan din ng deed of sale at ID ng parehong buyer at seller.

Ayon kay Galario, hindi lang ito parusa kundi paraan para matiyak ang tamang pagkakakilanlan ng sasakyan, na mahalaga sa pagpapatupad ng batas at seguridad. Target ng LTO na maipamahagi ang lahat ng plaka bago ang deadline sa Oktubre 31. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here