MANILA, Philippines – Inihain ni 1-TAHANAN Party-list Representative Nathaniel Oducado sa Kamara ang House Bill 2661 na naglalayong bawasan ng mga manufacturer ang asin o “sodium content” sa kanilang mga produkto.
Ayon kay Oducado, nakakaalarma na ang mataas na bilang ng mga nagkakasakit sa kidney, kaya naman malaking ambag kung ang mga pre-packaged food products gaya ng canned goods, cereals, sandwich spreads, chips, at iba pa ay mababawasan ang alat.
Ani Oducado, ang sobrang alat ay nagreresulta sa pagkakaroon ng hypertension o heart disease at chronic kidney disease, kaya naman ang paalala nito sa publiko ay maging mapili sa kanilang pagkain at iwasan na ang masyadong maaalat.
“The bill aims to encourage manufacturers to create healthier options without sacrificing taste or affordability,” pagtatapos pa ni Oducado. RNT