Home METRO 24-anyos na kelot, huli sa pinaglalaruang baril

24-anyos na kelot, huli sa pinaglalaruang baril

228
0

CALOOCAN, Philippines – Arestado ang 24-anyos na lalaki nang maaktuhang pinaglalaruan ang hawak na baril noong Huwebes ng madaling araw sa Caloocan City.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth sa Barangay 14, dakong alas-2 ng madaling araw nang maispatan ang suspek na si alyas “Benz” habang pinaglalaruan at ginagaya ang napapanood sa pelikula na pinapaikot sa kamay ang baril.

Nang lapitan ng mga operatiba ng Sangandaan Police Sub-Station-4 ang suspek at hanapan ng kaukulang dokumento ang hawak na kalibre .38 revolver, wala siyang maipakita kaya inaresto siya.

Nasamsam ng mga pulis sa suspek ang baril na kargado ng dalawang bala at ipinaalam sa kanya ang pagkakasaka niya bago siya binasahan ng karapatan bilang suspek.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here